Regional anaesthetic [pampamanhid panglimitadong pook] para sa Caesarean section [pag-opera pampagsilang] (CS) – tarjeta ng impormasyon
Ang regional anaesthetic (isang epidural [ukol sa tabi ng gulugod] o spinal [ukol sa gulugod]) ay isang uri ng pagbawa ng kirot kung saan iiniksyonan kayo ng local anaesthetic [pampamanhid panglimitadong pook] sa baba ng inyong likod upang pamanhirin nang buo mula sa inyong dibdib pababa. Magiging manhid din ang inyong mga biyas at hindi ninyo magagalaw ang mga ito. Sa kalimitan aabutin ng 10 hanggang 20ng minuto upang magkabisa nang buo ang anaesthetic.
- Unang-una lalagyan kayo ng drip [pampatak] na nakakabit sa isang karayom na tinatawag na intravenous cannula [tubo pang-ugat ng dugo] na itutusok sa inyong braso o kamay.
- Mag-iiniksyon ang isang anaesthetist [doctor pang-anaesthetic] ng local anaesthetic sa baba ng inyong likod.
- Lalagyan kayo ng tubo na tinatawag na catheter na isusuot sa inyong pantog.
- Sisiyasatin nang madalas ang inyong presyon ng dugo at antas ng oxygen.
Papayagan ng ilang hospital na iyong kasama ang inyong kabyak habang nagaganap ang paraan na ito, ngunit ang mga iba papapasukin lamang sya kapag natapos na.
Mga kalamangan ng regional anaesthetic
Sa kadalasan, ito ang pinakaligtas na mapipili para sa inyo kung inyong kinakailangan ang Caesarean Section. Papaygan nito na gising kayo para sa pagsilang ng inyong sanggol at, sa kalimitan, mas may-bisa ang pagbawa ng kirot pagkatapos ng regional anaesthetic kaysa pagkatapos ng general anaesthetic
Mga maaariing problema ng regional anaesthetic
Sisiyasatin ng anaesthetist na manhid ka na bago simulan ang pag-opera. Hindi 100% na mapagkatitiwalaan ang mga pagsisiyasat na ito at maaaring makakaramdam kayo nang di-kasya-sya habang nagaganap ang pag-opera.
- Pangkaraniwan na mararamdaman mo ang paghihila at pagtutulak sa loob ng inyong sikmura, at hindi kayo dapa mabahala. Minsan maaaring may kaunting kirot na maaasikaso sa pamamagitan ng pagbigay ng pampigil ng kirot sa drip o hihithitin sa maskara o mouthpiece [kagamitan na nakapasak sa bibig]. Paminsan-minsan maaaring makaramdam kayo ng malubhang masakit. Kung mangyayari ito, malamang bibigyan kayo nang madalian ng anaesthetist ng general anaesthetic. Patutulunggin kayo nito.
- Pangkaraniwan na bababa ang inyong presyon ng dugo dahil sa anaesthetic. Maaaring makaramdam kayo nang masama o manghihina. Bibigyan kayo ng inyong anaesthetist ng panggamot upang asiksuhin ito kagyat na mangyari ito. Paminsan-minsan bibigyan kayo ng panggamot bago inyong maramdaman ang mga sintomas na ito.
Mga panganib at side effect [kasabay na bisa] ng regional anaesthetic
Maaaring mangyaring problema | Gaaanong kakaraniwan ang problema |
Pagkakati | Karaniwan – halos 1 sa 3 hanggang 10ng tao. |
Malaking pagbaba ng presyon ng dugo | Spinal: Karaniwan – halos 1 sa 5 Epidural: Paminsan-minsan – halos 1 sa 50 |
Hindi sapat ang bisa ng epidural na binigay para sa pagsisilang upang punin kaya kinakailangan ng isa pang anaesthetic para sa Caesarean section Hindi mahusay ang bisa ng anaesthetic at kinakailangan ng higit pang gamot upang magpigil sa kirot habang nagaganap ang pag-opera. Hindi mahusay ang bisa ng regional anaesthetic para sa Caesarean section at kinakailangan ng | Karaniwan – halos 1 sa 8 hanggang 10 Spinal: Paminsan-minsan – halos 1 sa 20 Epidural: Karaniwan – halos 1 sa 7 Spinal: Paminsan-minsan – halos 1 sa 50 Epidural: Paminsan-minsan – halos 1 sa 20 |
Malubhang sakit ng ulo | Epidural: Di-karaniwan – halos 1 sa 100 Spinal: Di-karaniwan – halos 1 sa 500 |
Pinsala sa ugat na nerbiyo (Halimbawa, manhid na kapirasong lugar sa biyas, paa, o nanghihina ang isang biyas) | Nagtatagal ang resulta nang kulang sa anim na buwan: Medyo pambihira – halos 1 sa 1,000 hanggang 2,000 |
Meningitis | Pambihirang-pambihira – halos 1 sa 100,000 |
Naknak (impeksyon) sa gulugod kung saan ang spinal or epidural Haematoma (pamumuo ng dugo) sa gulugod kung saan ang spinal o epidural Naknak o haematoma na nagdudulot ng malubhang pinsala, kabilang ang pagkalumpo (paraplegia [pagkalumpo ng ibababang bahagi ng katawan]) | Pambihirang-pambihira – halos 1 sa 50,000 Pambihirang-pambihira – halos 1 sa 168,000 Pambihirang-pambihira – halos 1 sa |
Kasama ng epidural: Di-sinasadyang pag-iniksyon ng marami-raming local anaesthetic sa isang ugat ng dugo sa gulugod Di-sinasadyang pag-iniksyon ng marami-raming local anaesthetic sa baga-lusaw sa gulugod, na maaaring magdulot ng kahirapan sa paghinga, at pambihirang-pambihira, pagkawalang malay | Pambihirang-pambihira – halos 1 sa 100,000 Medyo pambihira – halos 1 sa 2,000 |
Walang tiyak na mga bilang para sa lahat ng itong mga panganib at side effect. Mga tantya ang mga bilang at maaaring mag-iiba-iba sa bawat hospital.
Kabuuran ang tarjetang ito May higit pang impormasyon sa website sa www.labourpains.com
Kung mayroon kayong mga pagkabahala, paki-talakayin sa inyong anaesthetist.
Nagpapasalamat kami sa kawang-gawa ng Translators without Borders sa pagkakaloob nitong translation [pagsaling sa ibang wika] para sa OAA.

© Obstetric Anaesthetists’ Association 2009
Registered Charity No 1111382 www.labourpains.com